Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang planong pansamantalang putulin ang cellphone signal sa ilang lugar sa panahon ng Asian Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa Nobyembre.

Sinabi ni PNP chief Police Director General Ricardo Marquez, na pinag-aaralan pa nila ang nabanggit na hakbangin, at kailangan timbangin ang kaligtasan ng mga delegado na magbibigay naman ng inconvenience sa mamamayan.

Inamin din ni Marquez na ilan sa security template na ipinatupad noong papal visit ay gagamitin din ng PNP sa nabanggit na international event sa susunod na buwan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador