TARLAC CITY – Inaalam ng pulisya kung inggitan sa pag-awit sa videoke o personal na alitan ang nasa likod ng pananaksak ng isang construction worker sa kanyang kaibigan habang sila ay nag-iinuman sa Block 5, Barangay San Nicolas, Tarlac City.

Binurdahan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Vincent De Guzman, 21, binata, ng kaibigan niyang si Michael Mesa, 21, ng Block 9, Bgy. San Nicolas, Tarlac City, kapwa obrero sa FAIS Construction Company.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Gilbeys Sanchez, dakong 1:00 ng umaga, nag-iinuman ang magkaibigan sa isang videoke bar sa lugar nang biglang magtalo ang mga ito hanggang sa pagsasaksakin ni Mesa si De Guzman.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol