James & Nadine_USE THIS 1

INABANGAN ng mga kaibigan namin sa Los Angeles, Chicago, Vallejo, USA ang premiere telecast kagabi ng On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre at tinatanong din kami kung kailan magkakaroon ng show ang JaDine sa US.

Kinikilig sila nang husto sa On The Wings of Love kaya talagang aabangan daw nila ang JaDine.

Kinukulit din kami kung totoong walang relasyon sina James at Nadine dahil parang mayroon daw pero ayaw lang aminin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

For the nth time, sinabi naming hindi talaga magdyowa ang dalawa at maganda lang ang kanilang chemistry kaya marami silang napapakilig.

Katunayan, maging ang manager ng JaDine na si Ms. Veronique del Rosario-Corpus ay kinikilig din sa dalawa nang makatsikahan namin ni Bossing DMB sa red carpet screening ng On The Wings of Love sa Trinoma last week.

Paulit-ulit niyang sinasabi sa amin na, “Ang guwapo ni James, ‘no?”

Sinamantala na namin ang pagkakataong tanungin ang Viva manager kung totoong na-reprimand nila si James dahil nga sa mga isyu na parating nasa gimikan at kung sinu-sinong babae ang kasama – na si Julia Barretto ang huli.

“Hindi naman ni-reprimand kasi wala naman siyang ginagawa at saka bagets, kaya hindi maiiwasang gumimik. Pero aware naman siya. At saka ‘yung Julia, wala naman, di ba, totoo ba ‘yun?” sabi ni Ms Veronique.

Sinabi namin na marami ang nasusulat.

“Well, if ever, wala namang masama kasi pareho silang single at saka mga bata pa ‘yan,” pagtatanggol ng manager kay James.

Dapat ingatan ni James ang love team nila ni Nadine Lustre lalo’t may project sila ngayon.

“James knows naman at saka alam naman ng lahat na wala silang relasyon ni Nadine, so walang natatapakan, kaya technically single naman silang pareho,” sabi pa ni Ms. Veronique. (Reggee Bonoan)