SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija – Bumulagta ang isang 41-anyos na pintor matapos siyang pagbabarilin ng isang nakasakay sa motorsiklo habang bumibili siya sa isang burger stand sa Barangay Bantug sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Michael Maclang, may asawa, ng Bgy. Poblacion North sa siyudad na ito.

Sa pagsisisyasat ni PO1 Herson Mercado, lumilitaw na dakong 7:00 ng gabi nang maupo ang biktima sa burger stand at umorder ng hamburger hanggang lapitan ng hindi nakilalang lalaki at pinagbabaril nang malapitan.

Ayon sa pulisya, bago namatay si Maclang ay nasambit nito ang pangalan ng suspek, na iniimbestigahan na ngayon.
National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'