CHICAGO (AP)– Umiskor si Nikola Mirotic ng 24 puntos, nagdagdag si Pau Gasol ng 19 puntos at 12 rebounds, at ipinatikim ng Chicago Bulls sa Knicks ang kanilang franchise-record na ika-60 pagkabigo, sa paghablot ng 110-80 panalo kontra sa New York kahapon.

Isang gabi matapos maitabla ang single-season loss mark ng koponan mula sa nakaraang taon, nalaglag ang Knicks sa kanilang ikapitong sunod na pagkatalo at ika-14 sa 16.

Umiskor si Jimmy Butler ng 18 para sa Chicago.

Ang rookie na si Mirotic ay muling nagpakita ng kahusayan sa paglalaro, nagtapos na may 5 puntos na kakulangan para sa kanyang career-high.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Naitala naman ni Gasol ang kanyang league-leading na ika-48 double-double sa pagkubra ng Chicago ng ikalimang panalo sa kanilang huling anim na laro.

‘’I think our mindset at this point is we’re building toward something, we have more than enough right now,’’ ani Mike Dunleavy Jr. ‘’When (the injured) Derrick (Rose) gets back, it’s a bonus. We’re pulling for him.’’

Pinangunahan ni Andrea Bargnani ang New York sa kanyang 14 puntos at 7 rebounds.

Umiskor si Gasol ng 11 sa first quarter at 13 sa half sa pagtangay ng Bulls ng 54-34 abante. Naibuslo ni Mirotic ang tatlong 3-pointers at umiskor ng 11 sa half, habang sina Butler at Aaron Brooks ay kapwa naglista ng 10.

Lumamang ang Bulls sa 28-17 matapos maikasa ang 12-of-21 shots nila sa first quarter. Na-outscore ng Chicago ang New York, 19-7, sa kabuuan ng half upang magbalik sa 35-27 bentahe tungo sa paglamang ng 20 sa break.

‘’I think we’re getting there,’’ sabi ni Gasol. ‘’We can’t get too complacent. We can’t get satisfied by a few good games. We just need to continue because the challenges are going to come and they’re going to come quickly.’’

Resulta ng ibang laro:

Charlotte 115, Atlanta 100

Golden Stae 108,

Milwaukee 95

Utah 94, Oklahoma City 89

Portland 120, Denver 114