Walang mali sa plea bargain.

Ito ang reaksiyon ni Justice Secretary Leila de Lima kaugnay sa napaulat na P21 milyong plea bargain ng kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pamilya ng transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude para ibaba ang kasong murder sa homicide. “We have to remember that in preliminary conference or pre-trial, plea bargaining is allowed, subject to agreement of parties,” paliwanag ni De Lima.

Una nang sinabi ng kampo ni Pemberton na ang pamilya Laude ang humiling ng P21 milyon para maayos ang kaso.

Para kay De Lima, ang titingnan niya sa ngayon ay ang reklamo ng pamilya Laude laban kay Olongapo City Prosecutor Emilie delos Santos dahil umano sa pagbubukod sa pamilya Laude mula sa negosasyon sa kampo ni Pemberton kaugnay ng plea bargain deal. Hiniling na raw niya sa prosecutor na sagutin ang protesta ng ina ni Jennifer na si Julita at kapatid na si Malou.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa ng abogado ng pamilya Laude na si Atty. Harry Roque Jr., si Delos Santos ang nagtutulak sa P21-milyon settlement pero hindi kinonsulta ang pamilya ng biktima.