Isa na namang perpektong season ang nakumpleto ng Adamson University matapos maitala ang 10-0 panalo kontra University of the Philippines at makamit ang ikalimang sunod nilang titulo kahapon sa pagtatapos ng UAAP Season 77 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Dahil sa panalo, nahatak ang winning streak ng Lady Falcons sa 62 games.

Nakamit din nila ang kanilang ika-14 na pangkalahatang titulo at pa

ng-11 sa ilalim ni coach Ana Santiago.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ito ang bunga ng tuloy-tuloy na training at magandang programa. Nandoon ‘yung will para manalo sa game. This is the first time we got a five-peat,” ani Santiago.

Pumalo si Queeny Sabobo na pinarangalan kasama ni University of Santo Tomas batter Cristy Joy Roa bilang Most Homeruns awards ng game-clinching two-run homer sa final inning at tumapos na may dalawang RBIs at dalawang hits para sa Adamson.

Matapos maka-strike out ng 12 batters sa naunang Lady Falcons’ 6-0 panalo noong Martes sa finals opener, napanatili ni Annalie Benjamen ang kanyang impresibong laro matapos maka apat na strike outs at magbigay lamang ng tatlong hits.

Napanalunan ni Benjamen ang kanyang ikalawang sunod na MVP award bukod pa sa Best Pitcher, Best Hitter at Most RBIs plums.

“’Yung lahat ng pinaghirapan namin, nandoon lahat yung kinalabasan,” anang 22-anyos na si Benjamen na tubong Bacolod City.

Pinuri naman ni Santiago ang Lady Maroons, na napantayan ang kanilang second place finish noong 2011.

“UP is a strong team. Hanga ako sa kanila, marami silang rookie, pero hindi sila bumitaw. Mga fighter ang mga ‘yan. Ang sabi ko sa mga bata, if we want to win, kung anong lakas meron ang kalaban, higitan natin. If we want to be the winner, we have to play like a winner,” ayon kay Santiago.

Nakuha naman ng Adamson karamihan ng individual awards na kinabibilangan nina Gelyn Lamata at Benjamen para sa Most RBIs, Lorna Adorable para sa Most Stolen Bases honors at Florabelle Pabiana para sa Rookie of the Year.