Ni GENALYN D. KABILING

“You ain’t seen nothing yet.”

Ito ang binitawang salita ni Pangulong Aquino habang ibinabandera sa isang malaking grupo ng mga negosyante ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato.

Sinabi ng Pangulo sa 4th Euromoney Philippine Investment Forum na ginanap sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City na maraming magandang balita ang masasagap ng mga mamumuhunan at negosyante dahil sa mabilis na pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Positibo ang disposisyon ng Pangulo sa estado ng bansa sa kabila ng kontrobersiyang idinulot ng palpak na operasyon ng gobyerno sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 police commando ang napatay.

“The tremendous amount of confidence the global community has developed for the Philippines is incredibly gratifying, especially considering that, not too long ago, we were known as the ‘Sick Man of Asia’,” pahayag ni Aquino.

“However, our administration remains hard at work so that we can maximize every opportunity available to us, and I think many of you will agree with me when I say: You ain’t seen nothing yet,” dagdag ni Aquino.

Pinuna rin ni PNoy ang pagbabalewala umano ng media sa paglago ng ekonomiya dahil ang mga balita hinggil dito ay karaniwang nailalathala lamang sa loob ng diyaryo.

Aniya, mas mabenta sa mga mamamahayag ang mga negatibong balita.

“I must admit: our campaign to change the mindset that negativism sells is still a work in progress,” giit ni Aquino.

Itinuring ni Aquino ang 2014 bilang “banner year” dahil ang net foreign direct investment ay pumalo sa “all-time high” na $6.2 bilyon.

Lumago rin ang FDI ng 65.9 porsiyento mula sa $3.7 bilyon noong 2013.

Nagtala din ang bansa ng “impressive growth” matapos pumalo ang average gross domestic product (GDP) sa 6.3 porsiyento mula 2010 hanggang 2013.

“Compare this to the previous three-year period, under my predecessor, where growth was just at 4.3 percent. On top of this: even in spite of the lingering effects of Typhoon Haiyan and the uncertainty in the global economy, our country still posted a respectable 6.1-percent GDP growth figure last year,” dagdag ni PNoy.