CAMP MACABULOS, Tarlac City – Naaresto kahapon ng pinagsanib na puwersa ng Tarlac City Police at Tarlac-Criminal Investigation and Detection Team, ang isang matinik na drug pusher at apat na iba pa dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga at matataas na kalibre ng baril at mga bala sa Sitio Pag-asa sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Sa nasabing operasyon ay naaresto si Harvy Gabia, 33, ng nabanggit na lugar na nahulihan ng limang piraso ng transparent plastic sachet na may 2.0 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,000, bukod pa sa drug paraphernalia.

Nakarekober din ng mga awtoridad ang isang caliber .357 Smith and Wesson revolver na may tatlong bala, at 17 basyo mula naman sa caliber .22.

Naaresto rin sina Richard Dare y Gonzales, 40, ng Sitio Landing; Pamela Ines, 35, ng Sitio Proper, Bgy. San Rafael, Tarlac City; Jaime Baluyut, 37, ng Bgy. Tinang, Concepcion; at Angielyn Jimenez, 20, ng Bgy. Burot, Tarlac City. Naniniwala ang awtoridad na may kinalaman sila sa operasyon ni Gabia.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20