Maraming oportunidad ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho, lokal man o sa ibang bansa, sa ikaanim na bahagi ng 2015 Manila Bulletin (MB) Classifieds Job Fair sa Marso 24-25 sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

May isang kumpanya ang nangangailangan ng mga multimedia artist para sa mga international account nito. Ang isa pa ay naghahanap ng mga engineer para sa isang malaking electric utility firm. Pinalalaki naman ng isang bancassurance company ang corporate team nito habang magdadagdag ng tauhan ang isang sikat na convenience store chain. Nag-aalok naman ang mga overseas manpower company ng iba’t ibang trabaho—mula sa office administration hanggang sa pagtuturo at nursing.

May bakante rin sa dalawang-araw na job expo para sa mga IT professional, accountant, researcher, customer service representative, architects, data analyst, HR manager at marketing officer.

Nasa 17 bagong kumpanya ang makikibahagi sa job fair sa Makati, ayon kay MB Vice President for Classified Ads Department Lyne Abanilla. Sa kabuuan ay mahigit 40 kumpanya ang mag-aalok ng trabaho.

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara

Unang beses na makikibahagi sa MB job fair ang Anchor Land Holdings, Inc., Capital One Philippines Support Services Corporation, FERNA Corporation, Piandré Salon, Inc., PNB Savings Bank, PSG Global Solutions, Sunlife Financial, The Design People, Inc., The Landmark Corporation, Visaya KPO, Total Net Research and Marketing, Inc., Virtoren Services, Inc., Meralco Industrial Engineering Services Corp. (MIESCOR), Asiapro Cooperative, Generali Philippines, Task Us at Philippine Red Cross. - Irene V. Fernando