Itataya ni WBA at WBO flyweight champion Juan Francisco Estrada ang kanyang mga titulo laban sa Pilipinong si Rommel Asenjo sa Marso 28 sa Merida, Yucatan, Mexico.
Ito ang ikaapat na pagdepensa ni Estrada ng korona mula nang masungkit ang mga ito sa Filipino-American na si Brian Viloria sa 12-round split decision noong Abril 6, 2013 sa Macau, China.
Nakalista lamang bilang No. 15 sa IBF minimumweight division si Asenjo na aakyat ng dalawang timbang para lamang magkaroon ng ikalawang pagkakataon sa world title.
Si Asenjo ang ikaanim na Pinoy boxer na makakaharap ni Estrada mula nang talunin noong 2012 si PH flyweight titlist Ardin Diale (KO 2), Viloria, Milan Melindo (UD 12), Richie Mepranum (TKO 10) at Joebert Alvarez (UD 10) na pinalasap niya ng unang pagkatalo sa non-title bout noong Disyembre 6, 2014.
“He is considered as one of the best flyweights in the world today with a professional record of 31 wins, 22 of which came by way of knockout, and only two losses. He has never been knocked out,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.
“For Asenjo, 25, it will be his second attempt at a world championship having lost in his attempt to win the International Boxing Federation (IBF) miniflyweight title against Rayito Garcia in Mexico City in 2013,” dagdag sa ulat. “It will be a tough fight for the smaller Asenjo, a product of the grassroots boxing program of the province of North Cotabato, in spite of his outstanding record of 26 wins with 20 KOs and only three losses.”