Pormal nang nai-hand over ng Airbus Defense and Space, isa sa pinakamalalaking airspace manufacturer sa mundo, sa Philippine Air Force (PAF) ang una sa tatlong Spanish Airbus C-295 medium transport aircraft na binili nito noong nakaraang taon.
“The aircraft was formally handed over in Seville, Spain where the final assembly line is located and is now being ferried to the Philippines. In PAF service the C-295 will play a key role in the modernization of the force’s transport fleet and will undertake a wide variety of military and humanitarian missions,” saad sa pahayag ng kompanya.
Ang turnover ay isinagawa nitong Marso 18.
Bago ito, sinabi ni Fernando Manalo, Department of National Defense undersecretary for finance, modernization and material, na ang aircraft ay darating sa Pilipinas sa Marso 23 o 25, 2015.
Ang delivery date ngayong Marso ng unang C-295 ay limang buwan na mas maaga sa itinakda sa Agosto, ayon kay Manalo.
Sa maagang pagdating ng eroplano, inaasahan ng DND undersecretary na ang dalawang iba pang aircraft ay mapapaaga rin ang delivery.
Napanalunan ng Airbus ang medium lift aircraft program bid ng DND sa halagang P5.29 bilyon para sa tatlong eroplano noong nakaraang taon.
Ito ay mas mababa kumpara sa P5.3 bilyon na nakasaad sa kontrata.
Ang medium lift capability ng PAF ay kasalukuyang pinupuno ng tatlo nitong F-27 “friendship” aircraft.
“These aircraft will help in troop and limited equipment movement,” ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Ang C-295 ay inilarawan bilang “a capable and versatile transports and surveillance aircraft.” - Elena L. Aben