PARIS (AFP)— Nadiskubre ng pulisya ang mga bangkay ng limang sanggol sa isang bahay sa timog kanlurang France, sabi ng isang source na pamilyar sa kaso, sa pinakamalagim na insidente ng infanticide sa loob ng limang taon.

Unang natagpuan ang bangkay ng isang bagong silang sa loo

b ng isang thermal bag at sunod na nadiskubre ng mga opisyal ang apat pang mga bangkay sa loob ng isang freezer sa kanilang paghahanap sa isang bahay sa Louchats, malapit sa lungsod ng Bordeaux, ayon sa source, kinumpirma ang ulat ng French television channel na iTele.

Nasa kustodiya na ang 40-anyos na ama habang ang 35-anyos na ina ay nasa ospital pa rin, ayon sa source.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Lumalabas na mag-isang nanganak ang ina at dinala sa isang ospital sa Bordeaux “for gynaecological and psychiatric examinations”. Sa puntong ito ang babae “ does not appear to have a history of mental illness”.

Isasagawa ang mga autopsy upang matukoy kung ang mga sanggol ay isinilang na buhay. Ang mag-asawa ay mayroong dalawang anak na babae na may edad 13 at 15.