SA unang pagkakataon, nag-host ng presscon ang PLDT Home Telpad kahit Linggo. Inamin ng executives ng kompanya na sina Gary Dujali at Patrick Tang na na-excite sila nang malaman nilang magiging bagong bahay na ng Disney stories ang PLDT Home Telpad, at una ngang mapapanood ang Cinderella ng Walt Disney.

“Natuwa nga kami dahil we will deal with kids naman ngayon,” sabi ni Gary. “Kaya naman kahit Sunday, pumayag kaming magbigay ng presscon to launch ang pagkakaroon na ng Disney stories sa inyong mga telpad, sa pamamagitan ng pagpapa-ugrade nito.”

Ayon naman kay Patrick, every month ay magkakaroon ng bagong story sa telpad, at for April, mapapanood naman ang Avengers at muling magkakaroon ng launch at contest sa kids na dadalo na may costume ng Avengers. Susundan pa ito ng Frozen 2, Marvel at sa December, ang Star Wars.

Hosted by Princess Kath (Katherine Medina) na naka-costume like Cinderella, nakakatuwa ang kids na sige-sige ang pa-selfie at pa-picture sa kanya bago ginanap ang block screening ng Cinderella sa Shangri-La Edsa Cinema 4, attended by parents and their children who came in costumes of Disney’s characters. Tatlo sa mga nag-join sa contest ang nakatanggap ng prizes at iyong hindi napili, binigyan din nila ng gifts.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Um-attend sa screening si Danica Sotto-Pingris and her kids.

“Favorite bonding activity namin ngayon ang maglaro ng games sa Telpad,” sabi ni Danica sa maikling interview bago sinimulan ang screening. “Confident pa kami ni Marc that the kids are playing with kid-friendly and educational games kaya lalo kaming natuwa na ngayon ay nasa Telpad na ang Disney stories.”

Para mas ma-enjoy ninyo ang Disney experience using the PLDT HOME Telpad, mag-log on kayo sa www.pldthome.com/telpad.