Coco at Julia

ISA si Coco Martin sa mga nabanggit ni Sharon Cuneta sa presscon noong Lunes na gusto niyang makasama sa ABS-CBN artists kung gagawa siya ng teleserye. Marami raw kasi siyang naririnig at nababasa kung gaano kabait at kahusay makisama sa nga katrabaho ang Primetime King.

Kinabukasan, sa grand presscon naman ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasure, nabanggit ni Coco na gusto rin niyang makatrabaho ang megastar.

“Honestly po, sabi ko nga, nu’ng malaman ko na babalik si Ate Shawie sa ABS-CBN, sabi ko nga po, sana, bago ako matapos (sa pag-aartista), pangarap ko siyang makatrabaho,” pahayag ni Coco nang hingan ng reaksiyon sa sinabi ni Sharon. “Lalung-lalo na po, honestly, sa isang supporter, kasi at least, mas mahahabaan ‘yung pagtatrabahuhan namin, kasi nu’ng nakatrabaho ko si Ate Guy (Nora Aunor) sa pelikula, kumbaga, nabitin ako, eh.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

“Kasi, kumbaga, doon pa lang lumalalim nang lumalalim ‘yung pagsasamahan namin. Kasi, ako ‘yung tipo ng artista na gustung-gusto kong iparamdam like kunyari kina Tito Eddie (Garcia), Tita Susan (Roces), kay Ate Guy nu’ng nagkaroon ako ng chance, sabi ko, gustung-gusto ko silang alagaan sa set.

“Kasi, ang sarap ng pakiramdam na ang dami-dami kong natutunan, ang dami-dami nilang nasi-share sa akin. Si Ate Sharon, sabi ko nga, sana mabigyan kami ng pagkakataon na makapagtrabaho kahit sa isang soap opera o pelikula.

“Alam n’yo ako, isa sa maiti-treasure ko na nakatrabaho ko na si Nora Aunor, nakatrabaho ko na si Eddie Garcia, Tita Susan, Ate Kris Aquino, gusto ko ring makatrabaho si Ate Shawie.

“Si Tito Pip (Tirso Cruz III), nakatrabaho ko na. Si Vilma Santos, gustung-gusto ko pong makatrabaho. Kumbaga, parang sabi ko nga, habang may pagkakataon, sana, matupad po iyon dahil isa rin po ‘yun sa mga pinapangarap ko,” mahabang pahayag ng aktor.

Matagal bago pa man bumalik si Sharon sa ABS-CBN, nabanggit na ni Coco sa management na gusto niyang makasama sa isang project ang megastar, ‘kaso paano nga naman mangyayari, e, nasa kabilang TV network noon ang aktres?

Kaya nang malaman ni Coco na bumalik na sa ABS-CBN si Sharon ay tuwag-tuwa siya dahil lumaki na ang tsansang matupad ang pangarap niya.

Pero mukhang matatagalan ang pangarap ni Coco na magkatrabaho si Sharon dahil taga-Dreamscape siya at sa ibang production unit naman si Mega.

Hmmm, alam kaya ito ni Sharon?