Kulungan ang binagsakan ng tatlong lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw ng mga kable ng isang telecommunications company sa Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 ang mga suspek na sina Virgilio Cabulanan, 54, cable splicer, at residente ng Cembo, Makati City; Vicente Bacolod, 30, telephone technician, at residente ng Sta. Monica, Novaliches, Quezon City; at Retchie Yngayo, 31, driver, at residente ng Project 4, Quezon City.

Arestado ang tatlo matapos baklasin at tangayin ang 40 metro haba ng kable ng Globe Telecom sa Champaca St., DRJ Subdivision, Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Namataan umano ng isang opisyal ng Barangay Sauyo habang binabaklas ng tatlo ang kable, dahilan upang humingi ito ng tulong sa pulisya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasong theft ang isinampa laban sa tatlong suspek na ngayo’y nakakulong sa QCPD Station 4. (Francis Wakefield)