Tumangging maghain ng plea si dating Apec party-list Rep. Edgar Valdez nang basahan ng sakdal sa Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder at graft na inihain laban sa kanya na may kinalaman sa pork barrel scam.

Dahil dito, ang Sandiganbayan ang nagpasok ng not guilty plea para kay Valdez.

Ang 64–anyos na si Valdez ay inakusahang nangomisyon ng P57.787 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nailaan sa mga pekeng non-government organization (NGO) ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Agad namang naibalik sa kanyang kulungan si Valdez sa Camp Bagong Diwa sa Taguig Citykung saan doon din nakakulong ang iba pang akusado sa pork barrel scam tulad ni Napoles at Atty. Jessica “Gigi” Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ginamit ng whistleblower na si Benhur Luy ang alyas “kuryente” kay Valdez dahil sa paggamit ng mga bogus na electric cooperative upang makakomisyon sa pork barrel fund.

Sinasabing inindorso umano ni Valdez kay Napoles ang PDAF nito para ilaan sa ghost project ng mga pekeng electric cooperative.

Nabatid sa COA, ang mga proyekto na pinaglaanan ni Valdez ay hindi nakarating sa mga benepisyaryo tulad ng livelihood program, pamamahagi ng farm input at farm implements, agricultural starter kit, technology transfer training via video courses at iba pa.