TARLAC CITY - Isang 73-anyos na babae ang namatay sa highway ng Sitio Estrella sa Barangay San Rafael, Tarlac City matapos mabundol ng rumaragasang tricycle sa nasabing lugar.

Positibong kinilala ni PO3 Apolonio Vargas Jr. ang biktimang si Adalaida Cabalu, biyuda, ng nabanggit na lugar, habang ang nakabundol ay si Joel Alfonso, 45, ng Quezon Street, Bgy. San Miguel, Tarlac City na nasugatan nang sumalpok ang minamanehong tricycle sa isang nakaparadang truck matapos makabundol.
National

House Prosecution Panel sa impeachment ni VP Sara: 'Active and alive, buhay na buhay!'