NAKAUSAP at tinanong namin si Edu Manzano after ng Bridges of Love kung may naging conflict ba sa TV5 Network ang kanyang pagbabalik-ABS-CBN para gawin ang serye kasama sina Jericho Rosales, Maja Salvador at Paulo Avelino.

Edu ManzanoMay pinirmaha ba siyang kontrata sa kanyang pagbabalik-Kapamilya?

“Wala naman, as you all know, freelancer ako,” bungad niya sa amin. “But for the duration nitong teleserye  hindi muna ako gagawa ng ia.Kasi, believe it or not, napaka-demanding ng role na hinihingi sa akin nitong Bridges of Love.”

Pinaghandaan niya nang husto ang role niya sa BOL bilang tatay  nina Jericho at Paulo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Totoo ‘yun, I lost weight at nag-experiment kami ng hairstyle . Nagpapayat ako kasi alam ko na si Jerico at si Paulo ang makakasama ko,” sey ni Edu.

Siyam na taon na pala siyang  hindi nakagawa ng serye, noong 2006 pa with Claudine Barretto at Piolo Pascual.

“’Yung mga exercises sa akting ginagawa ko rin. Meron kasing tinatawag na getting in the zone, kasi when you get in the zone, hindi na nagiging effort, hindi ka na nagiging conscious do’n sa mga lines, dapat mag-flow na ‘yun.”

For almost 26 years daw niyang pagtatrabaho sa ABS-CBN, naging madali sa kanya ang adjustments dahil same people pa rin ang kanyang nakikita sa compound.

“Ang liit ng  mundo ng showbiz, maliit lang ang ating iniikutan. Kaya there’s no reason to burn bridges,” sey niya.

Nagpahaging si Edu na bukod sa Bridges of Love, may nakaplano nang game show na gagawin niya sa Dos.

“I don’t think I’m at liberty to share kung ano exactly ‘yung plano. Ang sarap gumawa ng game show,” gaya ng Game Ka Na Ba na kanyang hinawakan for many years.

Proud si Edu na ang anak na si Luis Manzano ang naghahari ngayon sa game shows. May puwang  pa ba siya sa field na dominated na ngayon ni Luis?

“Kung siya ang hari, ako ang prinsipe,” pabiro niyag ganti.

No dull moments with Edu talaga. Sa harap man o sa likod ng kamera.