Iniulat ng Department of Health (DoH) na pumapalo na sa 18 kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ang naitatala sa bansa kada araw.

Batay sa 2015 HIV/AIDS Registry Report ng DoH, nakasaad na may 536 bagong kaso ng HIV ang naitala nila noong Enero 2015.

Nabatid na mas mataas ito ng 20 porsiyento kumpara noong Enero ng nakaraang taon na pumalo lamang sa 448 kaso.

Sa mga bagong kasong ito ay umabot sa 61 ang full-blown AIDS na nang maiulat at 14 sa kanila ang namatay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa mga bagong kaso ng HIV naman, 534 (99%) ang sexually transmitted, karamihan ay dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki o 460 (86%).

Ang 45 bagong kaso ay kabilang sa grupo ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Mula noong 1984, mayroon ng 23,063 kaso ng HIV ang naitala sa bansa kabilang ang 2,110 kaso ng AIDS at 1,132 ang namatay.