SANTA IGNACIA, Tarlac - Isang hindi pa nakikilalang babae na pinaniniwalaang dinukot para i-salvage ang sinilaban sa Romulo Highway, Barangay Vargas sa Santa Ignacia, Tarlac, noong Lunes ng madaling araw.

Sinabi ni PO3 Geoffrey Villena Enrado na nakatali ang alambre ang mga kamay at paa ng babaeng biktima na may taas na 5’7” at payat.

Dakong 5:00 ng umaga ay inihahanda ng residenteng si Eddie Pablo ang kanyang almusal nang mamataan niya sa lugar ang isang pulang Sedan car hanggang mapansin niyang iniwan nito ang nagliliyab na katawan ng biktima.

Nakalagak ngayon ang bangkay sa Ilagan Funeral Homes sa Camiling.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20