Mount Iriga

Ni JOJO P. PANALIGAN

TAG-ARAW na at 25 festivals ang isasagawa sa buong bansa sa susunod na tatlong buwan na maaaring puntahan ng mga kababayan nating mahihilig sa fun getaways at fabulous travel escapades, ayon sa website ng National Commission for Culture and the Arts.  

Kung magarbo ang karamihan sa inihahandang festival para sa local at foreign tourists, mahihirapan ang mga ito na tularan ang highlights ng 40th Tinagba Festival ng Iriga City na isinagawa simula Pebrero 9 hanggang 12 na nasaksihan ng Bulletin at Balita Entertainment.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang buong buwang pagdiriwang ay lalong pinasaya ng pagpunta noong Pebrero 11 ng aktor na si Richard Yap, na dinumog at pinanood ng napakaraming Bicolano nang magtanghal ng mini-concert pagkatapos ng Tinagba Parade, Tribal Dancers and Float Parade presentations. Halos lahat ay gusto siyang makamayan at magpakuha ng litrato, kasama man siya o hindi. Tulad ng mga nakaraang Tinagba festival, buong lugod na tinatanggap ng Irigueños ang mga sikat na TV at movie personalities.

iriga

Pero maliban sa pagdalo ni Richard Yap, at maging ng VIP guests na kinabibilangan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno at ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, ipinakita sa festival ang world-class talents ng siyudad, lalo na sa Regional Festival of Talents na ginanap sa City Colosseum. Itinanghal ang Broadway musicals na inihanda ng iba’t ibang probinsiya sa Bicol kaya napanood ang mga piling awitin mula sa “Les Miserables,” “Annie” at sa Disney hit animated films. Karamihan sa featured Irigueño talents ay nagsasanay sa Manila at maging sa ibang bansa (India, Malaysia, Japan, Hong Kong, Singapore); at patuloy silang isinasailalim sa workshops ni City Mayor Ronald Felix Alfelor at ng kanyang kapatid na si dating Mayor Madelaine Alfelor-Gazmen. 

Ang paglalaan ng investment sa local talents ay bahagi ng long-term plan upang gawing arts and culture hub ang Iriga. Ayon kay Mayor Alfelor, magtarayo sila ng auditorium na magsisilbing tahanan ng kanilang talents.

“May future do’n (performance arts) for Iriga kaya kahit paunti-unti (na hakbang) ay sinisimulan na namin,” pahayag niya.

Ang Tinagba Festival hinalaw sa “atang” ng Iriga, ang  pre-colonial ritual ng pag-aalay ng pinakaunang ani kay Gugurang, ang sinaunang deity ng mga Bicolano. Tulad ng mga nakaraang taon, isinagawa ang parada ng mga karosang pinalamutian ng pinakamagagandang ani mula sa 36 na barangay. Ang mga nanalo ngayong taon mula sa pinakamataas: River (Feast of Our Lady of Lourdes) na binubuo ng Brgys. Sto. Niño, La Medalla, La Trinidad, San Antonio, San Vicente, Salvacion); Midland Mountains (Gayon Bicol) na binubuo ng San Vicente Norte, Sta. Maria, San Pedro, Niño Jesus, San Andres, Sta. Cruz Norte; and National Road) na binubuo ng Sta. Teresita, Perpetual Help, San Agustin, San Isidro, San Roque and San Nicolas.

Inalis muna ni Mayor Gang Gang Alfelor ang traditional na ring street dancing.

“We removed it because so many Philippine festival has street dance. We aimed to make Iriga a unique kind of festival by focusing on our talents. Sila ang bida,” he said.

Bukod sa singers at dancers, nagtanghal sa harap ng granstand ant clowns, magicians, show gays, fire and dance eaters, cosplayers, acrobats, stilt walkers, cheer dancers and Military Marching Band ng siyudad.

Matutuwa sa lalong umuunlad na Iriga City ang mga nagbabalak na magtungo sa mga susunod na pagdiriwang ng siyudad. Ayon kay Mayor Alfelor, ngayong taon ay dalawang bangko, isang international fastfood franchise, at isang call center ang magbubukas. Paboritong puntahan ng tourists sa Iriga ang kanilang historical at natural sites na kinabibilangan ng St. Anthony Parish Church, Our Lady of Lourdes Grotto, The Philtranco Transport Heritage Museum, Mount Iriga, Ilian Hill, natural spring resorts, at ang Gawad Kalinga Character Village na nasa paanan lamang ng Mt. Iriga na dinadayo rin ng mountain climbers.