Hindi nababahala ang Palasyo sa panawagan ni dating Marine Col. Generoso Mariano sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na bawiin ang suporta ng mga ito kay Pangulong Aquino.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, walang kahihinatnan ang panawagan ni Mariano tulad ng mga unang apela nito sa militar at pulisya na withdrawal of support kay PNoy.

Ito ay bilang reaksiyon sa pahayag ni Mariano kamakalawa na dapat nang bawiin ng militar at pulisya ang suporta sa Pangulo dahil sa umano’y kapabayaan nito bilang commander-in-chief bunsod ng brutal na pagkakapatay sa 44 tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

“This is not the first time that former Col. Mariano has made his sentiments known. I understand that he has done the same in 2011 and his call went generally unheeded by men in the uniformed service,” pahayag ni Valte.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“There is no expectation that it would change in the present situation,” dagdag niya.

Matatandaan na nakulong si Mariano sa Philippine Marines Headquarters sa Fort Bonifacio matapos lumabas sa YouTube.com ang isang video kung saan siya nanawagan sa publiko na patalsikin ang administrasyong Aquino.

Mahigit isang taong nakulong si Mariano bago nasibak sa serbisyo dahil sa paglabag sa Articles of War 63 o Disrespect toward the commander in chief.