Hindi inakala ng isang 27-anyos na binata na pritong bangus lang ang magiging kapalit ng kanyang buhay matapos siyang patayin ng security guard na nagbintang sa kanyang kumuha ng ulam nito kahapon ng madaling araw sa Barangay San Francisco sa Gen. Trias, Cavite.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Randy Obordo, 27, binata, nakatuloy sa barracks ng pinagtatrabahuan nito sa Le Rica Homes sa Bgy. San Francisco.

Agad namang nakatakas si Elarde Calogmaton, nasa hustong gulang, security guard, ng Bgy. San Francisco, Gen. Trias.

Sa imbestigasyon ni PO2 Allan John Edoria, dakong 12:30 ng umaga at natutulog si Obordo sa kanilang barracks kasama ang nobya nitong si Liezel Punzalan nang kumatok ang suspek at nang pagbuksan ay agad itong kinumpronta ng suspek at hinahanap sa biktima ang pritong bangus.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Itinanggi ng biktima ang bintang na kinuha niya ang bangus hanggang sa magtalo ang dalawa at umalis si Calogmaton pero pagbalik ay pinagbabaril na ang biktima