ROME (AFP) - Nagbigay ang Italy noong Miyerkules ng pinamakatinding babala laban sa panganib ng pagtatatag ng grupong Islamic State ng kuta sa Libya na mula rito ay maaari nilang atakehin ang Europe at paralisahin ang mga katabing estado.
Nagsalita sa parlamento, inilatag din ni Foreign Minister Paolo Gentiloni ang kahandaan ng Italy na pangunahan ang de-arming at muling pagbangon sa dati nitong kolonya para sa UN-brokered ceasefire sa sigalot na bumabalot sa Libya simula noong 2011 makaraang mapatalsik si Moamer Khadafi.