QUEENSLAND (AFP)— Siyam na Australian ang nagkaroon ng hepatitis A na iniugnay sa pagkain ng kontaminadong berries mula sa China, kasabay ng paghingi ng paumanhin ng importer noong Martes sa paglaganap ng food scare.
Ipinababalik ng manufacturer na Patties Foods ang apat na produkto kabilang na ang Nanna’s at Creative Gourmet brands ng mixed berries at Nanna’s raspberries matapos ang mga impeksiyon sa Victoria, Queensland at New South Wales.
Ipinagbibili ang mga ito sa mga pangunahing supermarket sa buong bansa matapos ipakete sa China.
Ang poor hygiene ng mga manggagawang Chinese at ang posibleng kontaminasyon sa supply ng tubig sa China ang nakikitang dahilan ng outbreak, ayon sa mga eksperto.