Nanawagan ang isang grupo ng manggagawa sa Department of Justice (DoJ), na ipatigil ang pagpapatapon isang Japanese trade unionist na kabilang sa blacklist ng Bureau of Immigration.
Ayon sa Nagkaisa, isang koalisyon ng 49 grupong manggagawa sa Pilipinas, ipinarating nito ang kanilang apela kay DoJ Secretary Leila De Lima matapos maaresto si Katsuhiro Sato nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Miyerkules.
Si Sato ay miyembro ng executive committee ng Japan Prefectural and Municipal Workers Union (JICHIRO), isa sa pinakamalaking grupo ng manggagawa na binubuo ng mga kawani ng gobyerno sa Japan.
Kasalukuyang pinoproseso ng BI ang deportasyon kay Sato matapos itong makabilang sa Blacklist Order ng DoJ nang makibahagi sa demonstrasyon laban sa Asian Development Bank (ADB) sa Manila noong 2012.
Kinonsidera ni Alan Tanjusay, isang miyembro ng Nagkaisa, na “grave abuse of authority” ang ginawa ng BI kasabay ng panawagan sa DoJ na ituwid ang pag-aresto kay Sato.
“He was set aside, held and put under deportation proceedings on the whimsical basis,” pahayag ni Tanjusay, na siya ring tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
“These abuses have no place in a Philippine society where guarantees of free expression and free assembly are deemed highly in our Philippine constitution,” dagdag ni Tanjusay.