Derek Ramsay

MASAYANG-MASAYA si Derek Ramsay na nakabalik na siya sa ABS-CBN para gumawa ng pelikula sa Cinebro Films under Star Cinema na may titulong Crocodile Hunting, sa direksyon ni Toto Natividad.

Ang Cinebro ay pinamamahalaan nina Ms. Malou Santos, Direk Toto at Ms. Charo Santos-Concio.

“I am very happy to have the opportunity to work again with ABS-CBN through Star Cinema. I am always consistent in saying that the network played a big part in making who I am today as an actor. I know that with the renewed relationship with my manager, and me not only good things but also bigger and better things will come. Salamat kay Sir Gabby (Lopez), Ma’am Charo (Santos-Concio), Ma’am Malou (Santos) and Tita Cory (Vidanes), and the whole Channel 2 family, for opening their doors to us again. God bless their good hearts. I am grateful, salamat talaga!” official statement ng aktor.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Samantala, nakatsikahan din namin ang isang TV5 executive na nagsabing masaya rin sila para kay Derek na gagawa ng pelikula sa Star Cinema, hindi naman daw nila puwedeng pagbawalan ang aktor dito dahil hindi naman ito nakakontrata sa kanila in terms of movie project.

Okay na sila na maganda ang feedback ng Mac and Chiz kasama si Empoy na napapanood tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Move It Clash of the Street Dancers nina Jasmine Curtis Smith at Tom Taus, Jr.

Nabalitaan din namin na ang sequel pala ng English Only, Please nina Derek at Jennylyn Mercado ay hindi sa 2015 Metro Manila Film Festival mapapanood kundi sa 2016 pa dahil puno na raw ang schedule ng aktor ngayong 2015.

Ang pelikulang pagsasamahan nina Derek at Kris Aquino ang sunod na gagawin ng aktor ‘pag natapos na niya ang Crocodile Hunting. Co-production ng Star Cinema at Regal Entertainment ang Kris-Derek movie.