Pebrero 11, 1938, dakong 3:20 ng hapon sa London, nang isapubliko ng British Broadcasting Corporation (BBC) ang unang science-fiction television show sa mundo na pinamagatang “R.U.R,”, halaw sa 1920 play ni Karel Capek na “Rossum’s Universal Robots”. Noong mga panahong iyon, ipinagmalaki ng BBC ang mga palabas sa Alexandra Palace mula sa 30-line transmitter system, na aabot sa 50,000 ang manonood.

Sa palabas, nagtungo si Helena Glory sa liblib na pabrika ng Universal Robots ng Rossum upang tumulong sa pagsasaayos ng mga robot. Sinubok ng imbentor na Old Rossum ang Creator sa paggawa ng artipisyal na tao. Sa huli, naging matagumpay ang kalikasan nang ma-in love sa isa’t isa ang mga robot na sina Helena at Primus.

Isinahimpapawid ng BBC ang radyo at ng full-length TV series na bersiyon ng play noong 1941 at 1948, ayon sa pagkakasunod.

Noong 1963, ilunsad ng BBC ang pinakamatagal na umereng science-fiction television show na ““Doctor Who,” na tinampukan ng isang alien na si “Doctor” na may kakayahang mag-time travel.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente