DOUGLASVILLE, Georgia (AP) – Pinagbabaril ng isang lalaki ang anim na katao noong Sabado ng hapon, at apat sa mga biktima ang namatay, kabilang ang dati niyang asawa at ilang bata bago nagbaril din siya sa sarili sa payapang kalye ng Atlanta, ayon sa pulisya at mga kapitbahay.

Tumawag sa pulisya ang mga nagulantang na kapitbahay at binigyan ng pangunang lunas ang mga sugatang biktima bago dumating ang mga rescuer.

Nangyari ang barilan dakong 3:00 ng hapon, sa kanlurang bahagi ng Atlanta, ayon kay Douglas County Sheriff’s Lt. Glenn Daniel.

Lumalabas na tinarget ng suspek, na hindi pa pinapangalanan, ang dati niyang asawa at ang sarili niyang pamilya, kabilang ang ilang bata na nagtangkang tumakas, ayon kay Daniel.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget