Umapela ang mga kasaping Muslim ng House of Representatives “to all concerned” na huwag gamitin ang insidente sa Mamasapano para harangin ang pag-apruba sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), noong Martes.

Siyam sa 12 congressman na kumakatawan sa mga congressional districts na karamihan ng mamamayan ay mga Muslim ang nagpahayag sa isang joint statement na “the draft Bangsamoro Basic Law is a measure dubbed as an instrument of peace.”

Sinabi ni Sulu Rep. Tupay Loong, chairman ng Committee on Muslim Affairs, nakita ng kanyang mga kapwa Muslim na mambabatas ang pangangailangang maglabas ng joint statement upang linawin ang kanilang posisyon sa insidente na nagresulta sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng elite na Philippine National Police-Special Action Force.

“We grieve over the loss of lives on both sides who fought for the same cause, that the right to live in peace be for all,” saad sa kanilang pahayag.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang iba pang lumagda sa Joint Statement ay sina: Deputy Speaker Pangalian M. Balindong (2nd District, Lanao del Sur); Jim Hataman-Salliman (Lone District, Basilan), Vice-Chairman, Ad Hoc Committee on BBL; Bai Sandra A. Sema (1st District, Maguindanao & Cotabato City), Vice-Chairman, Ad Hoc Commission on the BBL; Ansaruddin A.M.A. Adiong (1st District, Lanao del Sur); Maryam Napii Arbison (2nd District, Sulu); Zajid G. Mangudadatu (2nd District, Maguindanao); Ruby M. Sahali (Lone District, Tawi-Tawi); Sitti Djalia A. Turabin-Hataman (Party-list AMIN).