MASKI narito kami sa Seoul, Korea ay hindi kami tinatantanan ng isyu tungkol sa isang aktres na ang galing naman daw umarte at maganda sa harap ng kamera pero bakit daw hindi ito sumisikat ng todo kumpara sa mga nakasabayan niya.

Milya-milya na raw ang layo ng mga kasabayan ng aktres sa kanya dahil halos lahat ng projects sa pelikula o telebisyon ay pawang hit, samantalang ang nabanggit na aktres ay flop lahat.

Napaisip kami kung totoo at oo nga, pero hindi naman masasabing flop ang teleserye na binanggit namin sa mga nang-iintriga dahil nag-hit iyon at sa katunayan ay nominado pa siya sa pagka-best actress, bagamat hindi nga lang nanalo.

“Hindi naman siya bida ro’n, napasama lang siya,” mabilis na sagot sa amin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ke bida o napasama lang ay may saysay ang papel ng aktres dahil kung wala lang ay hindi siya mano-nominate.

“Naudlot na kasi siya (aktres) kasi hindi rin siya naging totoo sa pinagsasabi niya, marami siyang idinenay kaya hayan, nakarma,” sabi sa amin.

Ay, ano ba ang ginawa ng aktres para masabing nakarma siya, napaka-harsh naman ng paratang na ito.

“’Yung tungkol po kay _____ (aktor). Di ba ginawa niyang sinungaling,” katwiran sa amin.

‘Ahhh, ‘yun ba,’ ito na lang nasabi namin. Oo nga, in fairness, hindi nakakalimot ang netizens.

E, hayaan na at bata pa naman si Aktres noon kaya siguro mega-deny, at least she learned her lesson. Sana nga natuto na.