Siniguro ng organizers ng Ronda Pilipinas na laging bago ang mga ideya nila sa cycling upang lalong mapaganda ang taunang event sa edisyon na ito.

Sinabi ni Ronda Pilipinas Executive Project Director Moe Chulani na ang Ronda Pilipinas 2015 na iprinisinta ng LBC na papadyak sa Pebrero 11 sa Dumaguete City ay babagtas sa mga ruta na kahit isang beses ay hindi pa nadadaanan ng mga ginaganap na karera sa bansa na kinukonsidera nila bilang pinakamalaki at pinakamayamang cycling event sa Pilipinas at Asia.

“Ronda is not all about the race. We also try to explore other places because we want to promote as much places as we can to show everyone how beautiful the Philippines is while promoting peace and environmental awareness,” sinabi ni Chulani, na lubos na pinasalamatan ang LBC at Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

“That’s why we have so many brand new routes in this edition, which will sure make Ronda not just unpredictable but also exciting,” dagdag nito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa unang pagkakataon, matapos ang apat na edisyon ng karera, bibisita ang Ronda sa Paseo, Greenfield sa Sta. Rosa, Laguna at Calamba o sa harap mismo ng bahay kung saan nanirahan ang national hero na si Jose Rizal at sa Quezon Mountain Park sa Atimonan, Quezon o mas kilala sa kinatatakutang “Tatlong Eme (Three Ms) o “Bitukang Manok (chicken instestine)” sa loob ng isang araw.

Ang 60-kilometrong Stage One ay magsisimula sa Paseo habang ang 120.5-km Stage Two ay sisikad mula naman sa Calamba at magtatapos sa napakahirap na akyatin na bundok ng Atimonan na kilala sa mahahaba ngunit paliku-liko at matatalas na kurbada sa Pebrero 22.

Ang Ronda, na itinakda ang kabuuang P5 milyon cash prize, kabilang ang P1 milyon sa tatanghaling overall individual champion, ay bibisita din sa Malolos, Bulacan sa unang pagkakataon para sa 199-km Malolos-Tarlac Stage Four sa Pebrero 24.

Magiging interesado ang labanan sa pag-akyat sa ituktok ng Baguio kung saan ay gaganapin ang 8.8-km Stage Seven individual time trial na magtatapos sa itaas ng magandang Mount Sto. Tomas sa Pebrero 27 o sa gabi ng selebrasyon mismo ng Panabengga Festival.

Muling sinabi nina Ronda race director Ric Rodriguez at administration director Jack Yabut ang libreng sakay mula Dipolog patungong Dumaguete para sa mga siklista na mula sa Mindanao na sasali sa Visayas qualifiers habang dinagdagan nito ang bilang ng silya na makukuwalipika sa championship round.

“We the organizers have decided to arrange for free ferry transfers from Dipolog to Dumaguete on Tuesday Feb. 10,” pahayag ni Yabut, na dinagdagan ang registration fee para sa visayas qualifying leg na halagang P3,000 kung saan ay kabilang ang accommodation para sa Pebrero 10, 11 at 12 at maging ang pagkain sa loob ng tatlong araw na karera.