Pebrero 2, 1964 nang ilunsad ng Hasbro ang “G.I. Joe”, isang action figure na patok sa mga lalaki, kasunod ng tagumpay ng Barbie doll para sa mga babae. Ang G.I. Joe ay nangangahulugang “Government Issue Joe”.

Kinilala ang revolutionary combat toy bilang “greatest brand in the history of boys’ action toys,” dahil sa tagumpay nito simula nang ilunsad.

Layunin ng 12-pulgadang military hero na pag-ibayuhin ang pagkamakabayan sa mga bata, sa mga panahong nasa kalagitnaan ang Amerika ng pakikipagdigmaan sa North Vietnam. Naging matagumpay ito, at tuluyan nang binago ang industriya ng laruan para sa mga lalaki.

Taong 2003 nang mapasama ang G.I Joe action toys sa National Toy Hall Of Fame.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists