MAINIT na tinanggap ng viewers ang pagpasok ni Daniel Matsunaga bilang soccer superstar na si Kenjie sa Two Wives.

Nag-trend sa Twitter ang Pinoy Big Brother All In big winner sa unang pagkikita pa lang ng kanyang karakter at ng karakter ni Erich Gonzales na si Janine.

Agad kinilig ang netizens nang ipakilala ni Kenjie si Janine bilang girlfriend niya sa isang stalker na fan. Palaisipan na rin sa viewers kung ano ang magiging papel niya sa buhay ni Janine.

Pero hindi pa man nagtatambal sa Two Wives ay may fans na silang dalawa na kung tawagin ay DanRich. Ayon mismo kina Daniel at Erich, nagsimula silang i-link ng fans dahil sa kanilang naging guesting sa KrisTV sa Palawan na todo ang bonding nila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aminado ang Brazilian hunk na masaya at komportable siyang katrabaho si Erich.

“Hindi ako napi-pressure kasi nagtrabaho na kami ni Erich. Tinutulungan niya ako. Nakikipagbatuhan siya ng linya sa akin. Napakabait niya. Salamat sa Diyos dahil first show ko, eh, comfortable ako sa kasama ko,” sabi ni Daniel.

No doubt, very supportive talaga si Erich sa bagong Kapamilya.

“First time naming mag-act together. Natural naman sa kanya ang pag-arte. Kahit si Direk bilib sa kanya. Ibang Daniel ang makikita nila rito,” pahayag naman ni Erich.

Ito ang unang Kapamilya show ni Daniel matapos siyang magwagi sa PBB All In.