Enero 24, 1908 nang ilunsad ni Sir Robert Baden-Poweel ang Boy Scouts movement sa England.

Ilang taon na ang nakalilipas nang sinimulan ng movement ang pagsasanay sa kalalakihan, lalo na ang mga sundalo, upang makayanan ang buhay sa ilang. Naging pambansang bayani ng Britanya si Baden-Powell matapos niyang makibahagi sa South African War noong 1900.

Taong 1903 nang simulan ni Baden-Powell ang pagsasanay sa grupo ng kalalakihan. Hulyo 1907, habang nasa Brownsea Island, ang mga lalaki ay pinag-camping, woodcraft, lifesaving at iba pa.

Abril 1908, nakumpleto na ang “Scouting for Boys” ni Baden-Powell at nagbigay inspirasyon ito sa mga lalaking British. Pagsapit ng Disyembre 1908, umabot na sa 60,000 ang Boy Scouts. Ang unang pagpupulong ng national Boy Scout ay ginanap sa Crystal Palace sa London, England noong 1909 na may 10,000 Boy at Girl Scout ang dumalo.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Pebrero 1910 nang itatag ni William Boyce ang Boy Scouts of America.