Mga laro ngayon: (Fil-Oil Flying V Arena):

9am -- Perpetual Help vs. Lyceum (j)

12pm -- Arellano vs. San Sebastian (w)

3pm -- EAC vs. St. benilde (m)

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Makamit ang inaasam nilang unang titulo sa liga ang tatangkain ng Arellano University habang ang makabalik naman sa dating pedestal na kanilang kinalalagyan ang asam ng San Sebastian College sa kanilang pagtitipan sa women`s finals ngayong hapon sa pagsisimula ng final series ng NCAA Season 90 volleyball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Umaga pa lamang ay sisiklab na ang aksiyon sa junior finals sa pagbubukas ng sariling best-of-3 finals series ng University of Perpetual Help at ng Lyceum of the Philippines ganap na alas-9.

Susunod dito ang tapatan ng last year`s losing finalist Lady Chiefs at ng Lady Stags sa ika-12 ng tanghali bago ang huling laro sa men`s division sa pagitan ng first time ding finalist Emilio Aguinaldo College at College of St. Benilde sa ika-2 ng hapon.

Gaya ng nakaraan nilang mga panalo partikular ang huling tagumpay nila kontra sa dating kampeong Lady Altas sa semis, aasahan ni multi-titled coach Roger Gorayeb ang kanyang team skipper at Shakey`s V-League veteran na si Gretchel Soltones upang muling makabalik ang Lady Stags sa trono na huli nilang naupuan noong 2010 bago sila napatalsik ng Perpetual.

"Kailangan niyang maglaro at magpakita ng hinahanap sa kanyang liderto ng kanyang mga kakampi hindi lang sa opensa kundi sa depensa para kami manalo," pahayag ni Gorayeb, ang naghatid sa Lady Stags sa kanilang 23 NCAA titles bilang most winningest women`s team ng liga patungkol sa kanyang ace hitter.

Magiging malaking hamon naman para sa Lady Stags kung paanong pipigilin ang mga beterano at naglalakihang mga hitters ng Lady Chiefs na pinangungunahan nina CJ Rosario at Dana Henson.

Mauuna rito, hangad din ng Junior Altas ang koronang huli nilang nahawakan noong 2010 para sa ikapito nilang kampeonato sa liga kontra Junior Pirates na nais namang mabigyan ng unang titulo ang unibersidad nila magmula nang lumahok at maging probationary member noong 2013.

Samantala, sa tampok na laban, mag-uunahan namang magkamit ng una nilang men`s title ang EAC Generals at ang St. Benilde Blazers.