Pinatay sa saksak ang isang ginang at dalawang anak ng ama ng tahanan na naburyong dahil sa kawalan ng trabaho sa Iligan City, Lanao del Norte, Linggo ng gabi.

Sa report ng Iligan City Police Office (ICPO), dakong 11:00 ng gabi sa Barangay Tubod, Iligan City, narinig ng mga kapitbahay na sumisigaw ang ginang na nasundan ng katahimikan. Tumawag ng pulis ang mga kapitbahay at nang dumating ang mga awtoridad ay tumambad sa kanila ang bangkay ng mag-iina at ang suspek.

Kinilala ang mga biktima na si Roallyn Lañojan at dalawang anak na sina Crizel Joy, 5, at Dodong, 2. Matapos ang krimen ay nagpakamatay din ang suspek na kinilala ng pulisya na si Bernabe Lanojan.

Nakuha ng pulisya sa lugar ng krimen ang patalim na ginamit sa pagpatay sa mga biktima na nakatarak pa sa suspek at isang suicide note na nagsasabing kaya niya pinatay ang kanyang mag-iina ay dahil sa matinding selos.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bago ng insidente, nagtalo umano ang mag-asawa dahil sa kawalan ng trabaho ng mister habang nagtitinda ng ukay-ukay ang misis.