Nakisalo sa liderato ang reigning two-time champion National University (NU) sa nakaraang taong season’s runner-up University of the Philippines (UP) at University of Santo Tomas (UST) matapos ang unang linggo ng aksiyon sa UAAP Season 77 men’s tennis tournament sa Olivarez Sports Center sa Paranaque.

Sa pangunguna ng nakaraang taong MVP na si Fritz Verdad, sinimulan ng Bulldogs ang kanilang title-retention bid sa pamamagitan ng 4-1 panalo laban sa University of the East (UE) at Ateneo, para mahatak ang kanilang nasimulang winning streak hanggang sa 24 na games.

Ginapi naman ng Fighting Maroons ang Blue Eagles, 4-1, sa opening day bago isinunod ang De La Salle, 3-2, habang nanaig naman ang Growling Tigers sa Green Archers, 3-2, at Red Warriors, 4-1.

Magkakasalo ngayon sa liderato ang NU, UP at UST na taglay ang barahang 2-0 habang magkakasama naman sa hulihan ang La Salle, Ateneo at UE, 0-2.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa women’s division, nangunguna naman ang Tigresses na may malinis na barahang 2-0.

Sa pangunguna ni Kendies Malinis, tinalo ng UST ang UP, 4-1, bago inungusan ang Season 75 titlist La Salle, 3-2, para sa impresibong panimula.

Pinangunahan naman ng magkapatid na Christine at Clarice Patrimonio, nagwagi naman sa kanilang unang laban ang naghahangad na back-to-back title na National University (NU) matapos pataubin ang UP, 4-1.

Kasunod nila ang Lady Archers na naunang nagwagi sa opening sa Lady Eagles, 4-1, na may 1-1 baraha na sinundan naman ng Ateneo (0-1) at UP (0-2)