TACLOBAN CITY, Leyte – Ilang araw bago magdaos ng misa si Pope Francis malapit sa Tacloban airport ay naging instant hit na sa selfie ng mga residente at turista ang entabladong pagmimisahan ng Papa.

Habang abala ang mga obrero sa paglalagay ng finishing touches sa entablado, dumadayo naman sa lugar ang mga turista, na ang ilan ay nanggaling pa sa Mindanao, Bohol at Cebu, para kumuha ng kani-kanilang selfie na background ang entablado.

“Hindi na namin ito magagawa bukas (Biyernes) at sa Sabado kaya ngayon na lang. Maganda itong i-post sa Facebook,” sinabi noong Huwebes ni Laura Gabato, isang 19-anyos na university student mula sa Cebu na kasama ang kanyang mga kaibigan ay dumayo sa Tacloban para dumalo sa misa ng Papa ngayong Sabado.

Mula sa paisa-isa, pareha at pami-pamilya, nagkani-kanyang pose ang lahat sa harap ng entablado para magpakuha ng litrato o selfies. Simple lang ang entablado, gaya ng hiling ng Vatican. Amakan—o dingding ng kinayas na manipis na kawayan—ang backdrop nito at sa gitna ay may malaking itim na krusipiho. (Mars Mosqueda Jr.)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente