WASHINGTON (AFP) – Isang babae ang namatay at ilan dosenang katao ang nasugatan nang mapuno ng usok ang isang subway tunnel sa kabisera ng US noong Lunes ng gabi.

Sinabi ng Washington Emergency Medical Services na 84 katao ang dinala sa ospital at isang bombero ang nasugatan. May 200 katao ang inilikas, ayon dito.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng usok at naglunsad na ng imbestigasyon ang National Transportation Safety Board (NTSB).
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod