Ni ELAYCA MANLICLIC, trainee

MATAPOS pumatok sa mga radio at music channel noong nakaraang taon ang kantang Anyare ng McJim Classic Leather’s Dreams Get Real talent search champion na Fifth Dynamics, na binubuo nila Mark Cordovales (vocals, dating contestant ng The Voice of the Philippines), Jhay Santos (bass), Eljon Nono (lead guitars), Peter Leyva (rythmn guitars) at Drin Condat (drums), heto nga’t may kasunod nang hit, ang Pogi Kame na iri-release sa January 15 ang much-awaited music video.

“We are expecting Pogi Kame to sustain our momentum in the music industry particularly among Original Pilipino Music lovers in time for the release of our debut album this year” pahayag ni Cordovales.

Feeling Pogi ang karakter dito na ginampanan ni Condat. Nang ipahiya niya ang isang batang babae na nagkataong mangkukulam pala, nagsimula na ang kakaibang pangyayari sa kanya. Ang hindi niya alam ay isinumpa siyang makikita niya ang kagandahang loob ng babae sa halip na ang panlabas na kaanyuan. Doon nga’y nakilala niya ang sa paningin niyang magandang babae na ginampanan naman ni Mich Liggayu ng popular YouTube duo na Jamich. Ikinagulat ito nang husto ng mga kaibigan ng binata at kinuwestiyon ang taste niya sa mga babae.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“The twist in the ending will leave you laughing hard,” sabi ni Cordovales. “You’ll definitely want to watch it again and again”

Nasa video rin ang mga kapwa champion nila sa McJim na si Neo Domingo at ang vocal trio na JBK.

Nasa leading charts na ng mga radyo at hinirang na “Most Wanted Song of the Week” sa 97.1 Barangay LS noong December 2014. Ang kantang ito ay komposisyon nina Nirro de Leon at Aldrin Pampolina, at ang MTV ay mula sa direksiyon ni Miguel Tanchanco.