Bumagsak pa ang temperatura sa Metro Manila kahapon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ni Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA, dakong 5:15 ng umaga kahapon nang maitala ang 18.9 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City.
Ayon kay Aurelio, asahan na mas lalamig pa ang panahon sa bansa hanggang sa kalagitnaan ng Marso dahil sa umiiral na northeast monsoon o amihan.
Sinabi niyang mas mababa pa rin ang naitalang 16.9 degrees Celsius sa Metro Manila noong Enero 25, 2014.
Sa kasaysayan, naitala sa Baguio City noong Enero 18, 1961 ang pinakamalamig na temperatura sa bansa na umabot sa 6.3 degrees Celsius.