Iniulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joel D. Pagdilao ang pagkakaaresto sa dalawang most wanted na kriminal sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod noong Biyernes.

Kinilala ni QCPD Director Senior Supt Pagdilao ang mga naaresto na sina Erick Lacaba, 27, binata, residente ng Area V, Sitio Cabuyao, Sauyo, Novaliches, Quezon City, top 1 most wanted person ng Novaliches Police Station 4 at Mark Charlie Ang, 20, residente ng F-413 Camata St., San Roque 2, Bgy. Pag-asa, Quezon City, top 2 most wanted person ng Masambong Police Station 2.

Sinabi ni Pagdilao na sina Lacaba at Ang ay kapwa may warrant of arrest sa kasong akyat bahay.

Si Lacaba ay naaresto sa kanyang bahay sa Novaliches dakong 6:30 ng hapon sa pamamagitan ng police tracker team ng PS-4.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang si Ang ay naaresto 5:00 ng hapon ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) sa San Roque 2, Bagong Pag-asa, Quezon City.