Calasiao-Puto-619x464

Sinulat at mga larawang kuha ni LIEZLE BASA IÑIGO

CALASIAO, Pangasinan - Naging atraksiyon ngayong selebrasyon ng 8th Puto Festival ang makukulay at magagandang desinyo na ipinamalas ng Puto Vendors Association sa  ginanap na Puto Construction at Design Contest na tampok sa pagdiriwang.

Ayon kay Mayor Mark Roy  Macanlalay, layunin ng naturang festival na makibahagi mismo ang vendors  at producers ng puto sa kanilang bayan para lalong mai-promote  ang masarap na puto ng Calasiao.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Kabilang din sa ginanap na aktibidad sa Puto Fest ang paligsahan din sa Best Ways to Serve Puto na nilahukan naman ng mga kababaihan at DepEd na lalong naka-inspire sa mga ito  na  gumawa  ng  kakaibang presentasyon at diskubrehin ang mas masarap na kombinasyon ng mga sangkap sa paggawa ny puto.

Bahagi  rin ng selebrasyon ng Puto Festival ang  Little Ms. Puto Fest Talent, puto eating contest, Puto producers/Vendors Got Talent, Farmers Day, DepEd Cultural Show, Puto Festival Job Fair, Puto Street Festival Party at marami pang iba.

Ang puto sa naturang bayan ay tinataguriang White Gold ng Calasiao dahil ito ang naging mina ng kabuhayan ng napakaraming mga taga-Dinalaoan, Calasiao at itinuturing na ring one town one product (OTOP), sa ilalim ng kampanya ng Department of Tourism.

Ang produksiyon ng Puto Calasiao ay kabilang sa pinakamalalaki at pinakamatagumpay na programa ng tourism industry sa ating bansa.

Tanging bigas, tubig at asukal ang sangkap at walang preserva-tives  subalit  namamangha ng marami na nakatikim ng Puto Calasiao sa sekreto sa pagluluto nito dahil napakasarap.

Kataka-takang pinipilahan naman ng mga mamimili ang Bella’s Puto stall na pag-aari ni Mang Rudy dela Cruz na siya  ring kasalukuyang presidente ng samahan ng puto producers.

Ang sekreto aniya ay ang kalinisan sa pagawaan niya ng puto. At nasa diskarte ang pagtitimpla ng masarap na puto na kapag naluto na ay tumatagal ng tatlong araw at hanggang pitong araw naman kung nasa refrigerator.

Sinabi pa niya na mas mabenta ang puto lalo tuwing sumasapit ang Pasko. Nakaugalian na rin ng maraming biyahero o luluwas na Maynila na bumili lalo’t masarap itong kombinasyon sa pagkain ng pansit  o dinuguan o maging pinapaitan.