SHERYL-Cruz

MALI pala ang nagbulong sa amin na masaya ang love life ni Sheryl Cruz dahil sa isang kaedad na non-showbiz guy na madalas niyang kasa-kasama ngayon.

Nang makatsikahan kasi namin si Sheryl, binanggit niya na hindi pa nagkakaroon ng kapalit sa puso niya ang asawang si Norman Bustos.

“All I want now is work, work, work, I am only 40 years old and many people are telling me I am only starting to live my life. So I would like to enjoy and enjoy my life now. Gusto ko talaga, gaya nina Tita Boots Anson at Chanda Romero, ‘kita n’yo naman, masaya sila kahit may edad na sila,” sey ni Sheryl Cruz nang dalawin namin sa kanyang napakagandang tahanan na sariling pundar niya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pero hindi naman itinanggi ng pinsan ni Sunshine Cruz na marami naman ang nagpaparamdam sa kanya. May mga kasamahan daw sa showbiz at meron ding mga negosyante.

“Medyo mahirap ngayon, although maraming nagpaparamdam, nakikita ko na intimidated sila sa akin, siguro they could see me sa mga cover ng mga magazine so nawawala na lang sila. But like I said, wala muna ‘yan sa akin,” sey pa niya.

Ang hinahanap niya ngayon ay ang matatawag niyang “dream boy”. Hindi nga lang niya matutukan nang husto ang paghahanap dahil may iba siyang prayoridad sa ngayon. Kailangan daw niyang kumayod nang husto para sa future ng anak niya.

“Hindi naman ako naghahanap ng mayaman pero dapat naman marunong magtrabaho, ‘di baleng mas bata sa akin, ang importante ‘yung mas matangkad siya sa akin. I believe na in the future, mahahanap niya ako,” napatawang sambit ng aktres.

Kasama si Sheryl sa isang serye ng Kapuso Network na malapit nang magwakas. Pinagkakaabalahan din niya ang kanyang pagbabalik sa recording.

“At the moment, I am into writing songs at ‘yung ilan, kasali na sa lalabas kong album. Lumabas na ‘yung album kong Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin’at natutuwa ako, maganda naman ang review so watch out for more,” sambit pa rin ng magandang aktres.