Nanawagan kahapon si Manila 1st District Rep. Benjamin “Atong” Asilo sa pulisya na paigtingin ang kampanya laban sa paggamit ng malalakas na paputok na umano’y nakapipinsala sa kapaligiran at sa taon, at minsan ay kumikitil pa ng buhay.

Sinabi ni Asilo na kailangang ipatupad ng pulisya ang puwersa ng batas laban sa malalakas na paputok—na talamak umano ang bentahan sa kanilang lugar sa Pritil at Divisoria—upang mapigilan ang pinsalang maidudulot nito.

Kasabay nito, inihayag ng Tondo solon na mamamahagi siya ngayong Miyerkules, bisperas ng Bagong Taon, ng libu-libong torotot at tinapay sa kanyang constituents na bahagi ng kanyang kampanya para maiiwas ang mamamayan sa mga mapaminsalang paputok.

Nanawagan din ang chairman ng House Committee on People’s Participation sa mga magulang na pagibayuhin ang paggabay sa kanilang mga anak, na karaniwang nabibiktima ngmalalakas na paputok.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente