Ex-Gov. RemullaEx-Gov.-Remulla

Sumakabilang buhay na kahapon si dating Cavite Governor Juanito “Johnny” Remulla, tinaguriang “Ama ng Modernisasyon ng Cavite,” sa edad na 81.

Kinumpirma ang pagpanaw ng dating gobernador dakong 8:45 ng umaga sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City ng anak niyang si dating Cavite Rep. Gilbert Remulla sa panayam sa telepono.

Nagsilbi ang nakatatandang Remulla bilang gobernador ng lalawigan sa loob ng 14 na taon, ang pinakamahabang panahon ng panunungkulan sa naturang posisyon sa kasaysayan ng lalawigan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kilala si Governor Remulla sa pagiging statesman at madiplomasya noong nanunungkulan pa siya sa kapitolyo.

Napagkaisa niya ang mga local at provincial official na nagbunsod sa modernisasyon ng Cavite kaya naiangat ang kategorya nito bilang “first class province.”

Matapos magretiro sa pulitika, nanatili na lang ang gobernador sa kanyang tahanan sa Sarah Avenue, Barangay Bayan Luma II sa Imus.

Ang dating gobernador ay ama ni Juanito Victor Remulla Jr., Gilbert at ni dating 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Kasalukuyang nakaburol ang labi ng dating gobernador sa Funeraria Sapinosa sa Imus. - Anthony Giron