Kahit nakuha ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-7 series kontra Rain or Shine sa 2015 PBA Philippine Cup semifinals, wala umanong dapat na ipagkumpiyansa at hindi puwedeng maging kampante ang Alaska.

Mismong ang kanilang coach na si Alex Compton ang nagsabi na hindi pa sila nakakasiguro na makakamit nila ang huling finals berth at karapatang makaduwelo ang nauna nang finalist na San Miguel Beer.

Binasag ng Aces ang pagkakatabla nila ng Elasto Painters sa 2-2, nang kanilang gapiin ang huli, 93-88 sa Game Five noong nakaraang Sabado sa Mall of Asia Arena.

Ngunit ayon kay Compton, ang nakuha lamang nila ay katumbas lamang ng bentaheng twice-to-beat, dahil ang nasabing panalo ay walang anumang garantiya na uusad na sila ng finals.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

“We need to win one of them. It’s without question it won’t be easy, and there’s absolutely no guarantee that we’re there,”ani Compton.. “We have no time for complacency, and what’s scary is we have a Hall of Fame coach and we give him a week to teach and do stuff and put stuff in.”

“Sa lahat ng match-ups, pinakalugi kami sa head coaching match-ups. At this point, I don’t think anybody’s getting momentum,” dagdag pa nito.

Tinutukoy ni Compton si Guiao at ang panahon para maihanda nito ang Elasto Painters sa susunod nilang laban o sa Game 6 na gaganapin pa sa Enero 4 sa MOA Arena.

“I expected this kind of game that until the last possession your heart’s in your throat,” ayon pa sa Aces coach.