HINDI lingid sa nakararami na mayroong kababaihan na umasa maging sa teknolohiya upang makatulong bumuo ng anak sa kanyang sinapupunan. At ang magandang balita ay may natuklasang bagong reproductive medicine ang mga dalubhasa na makatutulong sa mga nahihirapan magbuntis. “It’s the most exciting time I’ve seen in reproductive medicine,” pahayag ni Mark P. Leondires, MD, medical director at lead infertility doctor sa Reproductive Medicine Associates of Connecticut. “Basically, in the past five years, our field has changed.” Ang ilan sa mga ito tiyak na pinananabikan.

Comprehensive chromosomal screening (CCS)

Habang nagaganap ang in vitro fertilization (IVF), ang mga embryo ay dumadaloy sa katawan ng babae at umaasang kahit isa sa mga ito ay mabubuhay patungong uterus hanggang sa mauwi sa pagbubuntis. At ngayon, sa pamamagitan ng CCS, maaari nang malaman ng mga doktor kung alin ang mas malusog na embryo.

Habang isinasagawa ang proseso ang CCS, isang biopsy sample ang kinuha mula sa embryo at sumailalim sa pag-aaral upang malaman ang problema. “The concept behind it is that most embryos we make as human beings are, frankly, not that good,” ayon kay Philip E. Chenette, MD, ng Pacific Fertility Center sa San Francisco. “At age 20, only about half, and at age 40, only about 20 percent, are healthy. This is about finding the good one,” dagdag pa niya.

Torre, pumalag sa bansag bilang 'national laughing stock'

Better embryo freezing

Alinsunod sa tradisyon, kung ikaw ay dumaan sa IVF, ililipat ng iyong doktor ang iyong mga embryo sa susunod na tatlo hanggang anim na araw matapos itong mahinog. Ngunit dahil sa bagong “freezing” na proseso na tinatawag na vitrification, mas mapapabili itong mtuitukoy ng mga doktor.

“We strive for normal hormone levels,” sabi ni Leondires. “Pregnancy rates may actually be better with frozen embryos than fresh ones, since there is a more normal hormonal environment. Most importantly, this may lead to better pregnancy and fetal outcomes.”

Cutting-edge labs

Upang maging malaki ang posibilidad ng matagumpay na embryo freezing, ayon kay Leondires, isang mas maayos na disenyo ng incubators ang maaaring paglagyan ng embryos. “It used to be that 12 patients’ embryos were cultured and frozen in separate trays of an incubator that looked like a kitchen fridge. Every time the door opened, there would be temperature and gas concentration changes,” paliwanag niya. “Now the incubators are smaller, with different areas for each patient — this allows for more environmental control, meaning the embryos are disrupted less.”

Quicker action

Oktubre noong 2013, isang pag-aaral ang inilabas tungkol sa panibagong IVF process na tinawag na IVA (in vitro activation), na nagsasagawa ng paggamot at binibigyang protina at iba pang bitamina ang obaryo upang mas malaki ang tsansa ns pagbubuntis. - Yahoo News/Health